Kwento ng aking dimatapos tapos na pag-ibig (kakarampot at
kaperasong bahagi ng langit)
Napagpasyahan kong isulat nalamang ang mga pinagdadaanan ko
at patuloy na pinagdadaanan patungkol sa pag-ibig na hindi ko hawak at hindi ko
mapigilan. Naniniwala ako na ang pagtatagpong ito ay hindi lamang isang swerte
dahil hindi ako naniniwala sa kahit anong swerte ito ay itinakda at kapalaran.
Ang makilala siya ay isang
kaparaanan ng Maykapal na hindi ninoman maabot at mababatid kong bakit at
paano. Ang makilala siya ay tadhana, ang maging kaibigan nya ay ginusto ko
ngunit ang pag-usbong ng pag-ibig ay hindi ko hawak.
Sumusulat ako para sa tanging rason na mailathala ang
dinadanas sa kasalukuyan. Walang ibang matatakbuhan at mapagsasabihan kundi ang
tanging Panginoon lamang. Kaibigan ay wala na ako dahil sila ay nakatira sa
makamundong pag-iisip kung gusto kong sabihin sa kanila puro biro, walang
tamang maibabahagi at higit sa lahat puro panlalait sa pamamagitan ng pagbibiro.
Kung sa kapatid naman sa pananampalataya di ko batid kong ito bay abot o sakop
ng kanilang pagkakaintindi. Napakapalad ng mga mananampalatayang nakatagpo na o
kahit hindi mananampalataya nakahanap na ng kanilang kapares at higit sa lahat
sa kanilang mga kumento sa isa’t-isa na parang wala ng ibang makakapaghiwalay
sa kanila. Nakamasid at nasasaksihan ang mga bagay na pilit iniiwasan dahil ang
sariling kaligayahan ay ngayong nagdududa kong ito’y makakamtan, sakit ng
damdamin ay hindi maiwasan kalakip na siguro sa pagkatao kong puno ng
kamalasan. Nagtatanong buhay pa ba kaya ang pusong ito? O durog na durog na sa
mga nakalipas na puro pasakit ang dala, dumudulog sa Panginoon na may mabigat
na damdamin, puro katanungan ang sinasambit kung bakit? Ngunit katahimikan ang
kalakip.
Sumusulat ako sa pusong nagdurugo, sa mata’y wala ng luhang
tumutulo, sa salita Niya’y ako’y kumakapit pero bilang isang tao ang kirot ay pilit kakapit. Sumusulat ako sa pagkataong seryoso at ngayon ko nababatid ang ng kukunti kung bakit naninibugho si Lolo Abraham ng sabihin ni Yahweh sa kanya na siya ang magiging ama ng napakaraming anak ngunit sa kapanahunan na iyon
ni isa wala siya. Kung ako may nakahanap ng pabor sa paningin ni Yahweh at
sinasabi na ito’y sa hinaharap mangyayari hanggang kilan ako magtitiis hanggang
kelan ako maghihintay… sa bawat basa ko sa salita nya hindi ko maiwasang hindi
magmasid na may pagka-inggit sa mga sinugo nya at kung makapagbiro naman ang mundo ay halos lahat
ng makikita o di kaya parang nananadya talagang ikaw ay saktan sa damdamin na
halos makikita mo’y quotes of love dito pictures of lovers dito video
kili-kilig moments dyan.
Isang bahagi ang nawalay sa akin pero nawa sa habag nya at
awa wag nawa Nyang ipahuntulot na pati ang buhay ko’y mawala magpakailanman.