Monday, June 17, 2013

Paghanga

(Original Composition not Edited)
Nakatunganga at nagiisip sa mga bagay bagay na hindi naman maabot. Sa mga nakalipas na may mga hatid na aral mga pasakit na nagmamarka ng sugat ng kahapon. Ako’y kasalukuyang nasa opisina ngunit ang isip ko’y nasa pagmamay-ari ng iba, napupuno ng hiwaga at kagalakan dulo’t ng pag-ibig na hindi maipagsigawan. Sa likod ng aking isipan ay ikaw ay hinahanap, tunay ngang hindi mapipigilan ang puso pag tumibok na ngunit nananaig ang desisyong may mas mahalaga pa kesa sa sariling kagustuhan. Nagtiis at nagpipigil dahil ang lahat ay maykapanahunan, akala ko’y hindi na ako iibig pa ngunit ang akala’y hindi pala, pinilit kong ituon ang aking isipan at pagtingin sa Panginoon at ang hiwaga ng pag-ibig ay aking naintindihan, malayong malayo sa estilo at pagtuturo ng mundo, kaya pala walang nagtatagal sa kapanahunan ngayon dahil mali ang turo at pakikitungo sa taong iniirog. Nagpatuloy akong mag-aral at naliwanagan  sa turo ng Amang nasa langit ay aking naintindihan, ang pag-ibig palay hindi pang-dalawahan lamang kundi pang-tatluhan kasama Siya na may akda ng pag-ibig. Kay sarap isipin ang proseso ng pagmamahal at dapat ngang unahing hanapin ang kapanatagan ng sarili sa Kanya at siya na aking Panginoon ay magbibigay ng kanyang anak na mahalaga sa kanya, isang prinsisa na binago Niya.
Dito ko nalamang isusulat ang mga bagay nanasa aking isipan, sa lugar na ikaw, ako at ang Ama ang may alam. Hindi ko man alam ang iyong nakaraan ngunit, nararamdaman kong ang bigat ng iyong sugat at sa panahon parin ngayon ay di pa tapos ang Panginoon sa pag susulsi sa puso mong may biak. Alam kong nagging malaki ang epekto nito sa pagbabago sa pakikitungo mo sa mga lalaki at hindi ko rin mabatid na may mga Lalaki naming nag-iingat para maitaas ang respeto at hindi maidamay ang mga lalaking tapat, ngunit iba na talaga ngayon, tanging ang Panginoon nalamang ang makakagabay sa taong para sa iyo. Iniisip ko ano man ang dangatan nito ay maykagalakan akong natoto akong magmahal ng hindi inuuna ang sariling kagustuhan kundi ang paglago para sa Ama. Hindi pala sa padalus-dalus na paraan ito nagiging epektibo kundi ang pagbabago muna ng Ama sa isang nilalang na magiging kabagay mo at mag-iingat na maykasamang takot sa Kanya. Napagkakasya ko nalamang ang aking paghanga sa iyo sa aking isipan kasama ng dasal na naway maging karapatdapat para sa iyo. Mahirap itago sa puso ang mga bagay na taon ang pagpipigil.

Sa mga salita ay hindi ka na ata naniniwala sa mga pakikitungo at pagpaparamdam ng ibang kalalakihan makuha lamang ang iyong atensyun. Mahirap man makipagsabayan ngunit nakapako na sa aking isipan na ika’y ligawan. Masaya akong dahan-dahan ng nagiging maliwanag ang nakatago ng lihim at naghihintay nalamang ng tamang nalalapit na mga araw. Isang kang babaeng dapat hangaan sa iyong paninidigan at katayuan lalo na sa espiritwal na aspeto ang pagmamahal mo at pakikitungo sa Ama. Dito ko nalamang sinusulat baka ma overheat ang aking isipan dahil sa pagsusulat nalamang maibsan itong naguumapaw na nararamdaman, pagpasenxahan muna Ate Apol sa iyo ako’y humahanga lamang.

2 comments:

  1. ayan..di ka na yata nagwork dahil dyan :)
    God bless..

    ReplyDelete