Thursday, April 18, 2013

Letter to Miss Janine Tugonon's Ex. Boyfriend

Pare sa Ex ni Miss Tugonon:


Bro alam ko ang sakit na dinadama mo at alam kong lahat ng hindi pinagpala ng aking kagwapohan ay nakikisimpatiya sa iyong dinanas. Ito yung mahirap na katotohanan na lagi nalang tayong underdog, di ko man batid kong ano ang day to day basis ninyo ngunit ako'y naniniwala na pag ang lalaki ay kulang sa kagwapuhan ay bumabawi sa kagandahan ng loob, pagmamahal at pagpapakumbaba dahil alam natin na mahirap ng makahanap ng isang beauty queen na kagaya niya kahit noong nagsisimula palang siya.

Kahit nakatago ka sa lilim ng kanyang likod ngunit ang iyong suporta ay nadadama nya. Mahirap ang nangyayari sa iyo ngayon dahil ang emosyun ay di basta-basta napapawi. Ang di lang matanggap ng halus lahat ng Secret Society of Unwanted Gentlemen but Loyal to You or SS-UGLY ang hindi pag-iisip ng iyong dating kasintahan na maisambit sa harapan ng kamera na ang mga mata ng tao ay nakamasid tungkol sa ibang lalaki. Totoo ngang higit na nakakalamanng ang nilalang niyaon dahil sa estado ng buhay at kasikatan at mas magandang lalaki pa kisa sa atin.

Bilib din ako sa iyo Bro dahil ang pagtatangol mo at hindi pagkawala ng pag-asa sa kanya ay tinatanaw mo lagi at isa kang modelo sa lahat ng lalaking tapat kong umibig. Hindi man naayon sa panahon na sabihin na wag kang mag-alala ngunit hayaan mo nalang na maihatid ko ang pakikiramay. Laging tandaan na hindi bulag ang ating Panginoon... iiyak mo nalang sa Kanya yang dinadama mo.