Saturday, July 20, 2013

Ang Pagbagsak

Kwento ng aking dimatapos tapos na pag-ibig (kakarampot at kaperasong bahagi ng langit)
Napagpasyahan kong isulat nalamang ang mga pinagdadaanan ko at patuloy na pinagdadaanan patungkol sa pag-ibig na hindi ko hawak at hindi ko mapigilan. Naniniwala ako na ang pagtatagpong ito ay hindi lamang isang swerte dahil hindi ako naniniwala sa kahit anong swerte ito ay itinakda at kapalaran. Ang makilala siya ay isang kaparaanan ng Maykapal na hindi ninoman maabot at mababatid kong bakit at paano. Ang makilala siya ay tadhana, ang maging kaibigan nya ay ginusto ko ngunit ang pag-usbong ng pag-ibig ay hindi ko hawak.
Sumusulat ako para sa tanging rason na mailathala ang dinadanas sa kasalukuyan. Walang ibang matatakbuhan at mapagsasabihan kundi ang tanging Panginoon lamang. Kaibigan ay wala na ako dahil sila ay nakatira sa makamundong pag-iisip kung gusto kong sabihin sa kanila puro biro, walang tamang maibabahagi at higit sa lahat puro panlalait sa pamamagitan ng pagbibiro. Kung sa kapatid naman sa pananampalataya di ko batid kong ito bay abot o sakop ng kanilang pagkakaintindi. Napakapalad ng mga mananampalatayang nakatagpo na o kahit hindi mananampalataya nakahanap na ng kanilang kapares at higit sa lahat sa kanilang mga kumento sa isa’t-isa na parang wala ng ibang makakapaghiwalay sa kanila. Nakamasid at nasasaksihan ang mga bagay na pilit iniiwasan dahil ang sariling kaligayahan ay ngayong nagdududa kong ito’y makakamtan, sakit ng damdamin ay hindi maiwasan kalakip na siguro sa pagkatao kong puno ng kamalasan. Nagtatanong buhay pa ba kaya ang pusong ito? O durog na durog na sa mga nakalipas na puro pasakit ang dala, dumudulog sa Panginoon na may mabigat na damdamin, puro katanungan ang sinasambit kung bakit? Ngunit katahimikan ang kalakip.
Sumusulat ako sa pusong nagdurugo, sa mata’y wala ng luhang tumutulo, sa salita Niya’y ako’y kumakapit pero bilang isang tao ang kirot ay pilit kakapit. Sumusulat ako sa pagkataong seryoso at ngayon ko nababatid ang ng kukunti kung bakit naninibugho si Lolo Abraham ng sabihin ni Yahweh sa kanya na siya ang magiging ama ng napakaraming anak ngunit sa kapanahunan na iyon ni isa wala siya. Kung ako may nakahanap ng pabor sa paningin ni Yahweh at sinasabi na ito’y sa hinaharap mangyayari hanggang kilan ako magtitiis hanggang kelan ako maghihintay… sa bawat basa ko sa salita nya hindi ko maiwasang hindi magmasid na may pagka-inggit sa mga sinugo nya at kung makapagbiro naman ang mundo ay halos lahat ng makikita o di kaya parang nananadya talagang ikaw ay saktan sa damdamin na halos makikita mo’y quotes of love dito pictures of lovers dito video kili-kilig moments dyan.

Isang bahagi ang nawalay sa akin pero nawa sa habag nya at awa wag nawa Nyang ipahuntulot na pati ang buhay ko’y mawala magpakailanman.

No comments:

Post a Comment